112263@deped.gov.ph

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika at ASEAN 2026

August 3, 2026 2:18 PM

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika at ASEAN 2026

"Madalian man ang paghahanda, naging makabuluhan at masaya ang sabayang pagbubukas ng ASEAN Month Celebration at Buwan ng Wikang Pambansa 2026 sa Imelda Elementary School.

Matapos ang Flag Ceremony, buong siglang nakiisa ang mga guro at mag-aaral sa pag-awit ng ASEAN Hymn – The ASEAN Way at panonood ng opisyal na ASEAN 2026 MTV na 'One Vision, One Ocean.'

Bilang simbolo ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa ating bansa at sa mga bansang kasapi ng ASEAN, nagkaroon din ng maikling parada sa loob ng paaralan dala ang mga ASEAN flaglets na malikhaing ginawa ng bawat baitang.

Isang simpleng pagdiriwang ngunit hitik sa diwa ng pagkakaisa, paggalang sa iba't ibang kultura, at pagpapahalaga sa ating sariling wika.

#ASEANMonth2026 #BuwanNgWikangPambansa2026 #OneVisionOneOcean #TheASEANWay #ImeldaElementarySchool"

Back to all announcements