Imelda Elementary School
Dalaw Patron sa mga Barangay at Paaralan 2026
Noong Agosto 11, 2026, naging bahagi ang Imelda Elementary School sa pagdalaw ng Mahal na Patron bilang bahagi ng "Dalaw Patron sa mga Barangay at Paaralan 2026" na isinasagawa mula Hulyo 9 hanggang Setyembre 11, 2026.
Sa temang "San Lorenzo Ruiz Kasama sa Paglalakbay: Pakinggan, Samahan, Mag-alay," nagtipon ang mga guro, mag-aaral, at mga bisita sa isang makabuluhang sandali ng panalangin at pagninilay. Ang gawaing ito ay nagpatibay ng pananampalataya, pagkakaisa, at pag-asa ng buong komunidad ng paaralan habang sama-samang naglalakbay sa landas ng paglilingkod at pagmamahal sa Diyos.